TY - JOUR AU - Santos, Mark Joseph PY - 2019/12/31 Y2 - 2024/03/28 TI - Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019 JF - TALA: An Online Journal of History JA - TALA VL - 2 IS - 2 SE - Articles DO - UR - http://talakasaysayan.org/index.php/talakasaysayan/article/view/29 SP - AB - <p>Bilang “kathang-buhay” ni Zeus A. Salazar, ang tinaguriang Ama ng Pantayong Pananaw (PP) at ng Bagong Historiograpiyang Pilipino, hindi mauunawaan ang PP nang hiwalay sa kanyang akademikong talambuhay. Kaya naman mainam na baybayin ang kasaysayan ng Pantayong Pananaw sa konteksto ng kapantasan ni Salazar. Maaaring hatiin ang kasaysayan ng PP sa konteksto ng kapantasan ni Salazar sa limang yugto, gamit ang metapora ng paglago ng halaman: 1. Panahon ng Pagpupunla ng mga ideyang magiging batayang kaisipan ng PP sa hinaharap, mula sa pagpasok ni Salazar sa Unibersidad ng Pilipinas (PP) bilang mag-aaral ng kasaysayan (1951) hanggang sa pagkakalimbag ng kanyang Ang Pagtuturo ng Kasaysayan sa Pilipino (1970), maaari itong bansagan bilang “Yugtong Pre-Pantayo”; 2. Panahon ng Pag-uugat ng PP sa UP mula sa pagkakalimbag ng artikulo ukol sa wikang Filipino (1970) hanggang sa pagdaraos ng Unang Pambansang Kumperensya sa Historiograpiyang Pilipino, kaalinsabay ng paghirang sa kanya bilang dekano ng Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya at pagdaraos ng (1989), 3. Panahon ng Pagsibol ng PP sa UP na tumutukoy sa institusyunalisasyon nito sa UP Departamento ng Kasaysayan mula sa kumperensyang ito (1989) hanggang sa pagkakalimbag ng Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan (1997), 4. Panahon ng Pagyabong ng PP sa labas ng UP mula sa pagkakalimbag ng aklat (1997) hanggang sa paglulunsad ng Saliksik E-Journal (2012), at 5. Panahon ng Pamumunga mula sa paglulunsad ng Saliksik E-Journal (2012) hanggang sa pagtatapos ng pagtuturo ni Salazar sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (2019).</p> ER -