Salin at Anotasyon ng mga Dokumento ng H. Otley Beyer Ethnographic Collection ukol sa Marikina
Keywords:
pagsasalin, anotasyon, H. Otley Beyer Ethnographic Collection, Marikina, mapanuring pagsasaling bayanAbstract
Ang pagsasalin ay hindi lamang payak na pagtutumbasan ng mga salita sa pagitan ng dalawang wika. Isang anyo rin ito ng kapangyarihan ng isang kalinangan na ipasok ang mga elementong banyaga sa sinapupunan ng sarili upang maging bahagi ng kabuuang kaalamang bayan. Akto ito ng pag-aangkin, na lagpas sa mababaw na antas ng panghihiram, sapagkat anumang isinasalin tungo sa sariling wika-at-kalinangan ay wala nang balak na ibalik pa sa pinagmulang lengguwahe-at-kultura. Sa prinsipyong ito nakasalalay ang yumayabong na tradisyon ng pagsasalin sa akademyang Pilipino, partikular sa eskwelang pangkaisipan na Bagong Kasaysayan. At sa tradisyon namang ito ng Bagong Kasaysayan, partikular sa diwa ng “mapanuring pagsasaling bayan,” inilunsad ang proyektong pagsasalin ng ilang piling dokumento ukol sa Marikina ng H. Otley Beyer Ethnographic Collection ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas, mula sa wikang Ingles tungo sa wikang Filipino. Liban sa pagsasalin, nilapatan din ito ng mga anotasyon na naglalayong magpaliwanag ng teksto, magkros-reperensya ng mga batis, magpook sa mas malawak na kalinangang Pilipino, at magbigay-diin sa saysay ng mga isinaling dokumento. Lahat ng ito ay alinsunod sa pagnanasa ng mga may- akda/tagapagsalin na mag-ambag sa larangan ng Araling Marikina, at sa mas malawak na adhikain ng pagsasa-Filipino ng akademyang Pilipino.
Translation is not a mere search for equivalence of words between two languages. It is also a form of power by a culture in appropriating foreign elements into the innermost part of the self, so that it could be subsumed to the totality of the people’s knowledge. It is also an act of owning, which transcends the lower level of borrowing, since everything that is translated from our own language-and-culture will not be returned anymore to the originating language-and-culture. This principle is the very foundation of the flourishing tradition of translation in the Philippine academe, particularly in the school of thought Bagong Kasaysayan. And it is in this tradition of Bagong Kasaysayan, particularly in the spirit of mapanuring pagsasaling bayan, that this project of traslating from English into Filipino of documents on Marikina from the H. Otley Beyer Etnographic Collection of the National Library of the Philippines is launched. Aside from translation, some annotations are also supplied, which aims to provide explanations of the text, cross-referencing of sources, contextualization into the wider Filipino culture, and emphases on the relevance of the translated document. All of these are in accordance with the desire of the authors/translators to contribute to the field of Araling Marikina, and to the wider project of Filipinizing the Philippine academe.
Downloads
Published
How to Cite
Issue
Section
License
Copyright (c) 2022 TALA: An Online Journal of History
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.