Ang Kasaysayang Pambarangay sa Kasaysayang Pampook: Pagbibigay Halimbawa sa Kaso ng Lungsod Pasig
Keywords:
barangay, kasaysayan, kasaysayang pampook, Lungsod Pasig, history, local history, Pasig CityAbstract
Nakatuon ang papel pananaliksik na ito sa pagpapalitaw ng paksain ng kasaysayang pambarangay sa loob ng kasaysayang pampook. Bagaman sa pagpapakahulugan ng kasaysayang pampook o kasaysayang lokal ay kabilang ang kasaysayang pambarangay, kadalasan ang mga ito ay mas nakatuon sa pananaliksik kaugnay sa bayan (munisipalidad o lungsod) o probinsya. Bunga na marahil ng kakulangan ng mga batis at wastong perspektiba sa pananaliksik at pagsusulat, mangilan-ngilan ang seryosong nag-aambag sa kasaysayang pambarangay. Tinalakay rin sa papel ang maikling konteksto at kasaysayan ng mga barangay bilang yunit politikal. Ginamit ang karanasan sa pananaliksik sa kasaysayang pampook ng Pasig upang itampok ang pagsuroy sa kasaysayang pambarangay. Nagbigay ng mga halimbawa ng batis na maaaring makatungkab ng mga impormasyon kaugnay sa pag-unawa sa katayuan ng mga barangay sa pagdaan ng panahon. Sa huli, nagbigay ng ilang puna o saloobin sa mga hamon at tunguhin ng pananaliksik sa mga kasaysayang pambarangay.
This research paper aims to emphasize the importance of barangay history in the context of local history. Despite being a part of local history, barangay history is often neglected due to limited sources and inadequate research perspectives. The paper also provides a brief overview of the background and historical significance of barangays as political units. The study draws on the research conducted on the local history of Pasig to underscore the exploration of barangay histories. Several examples of sources that can provide better understanding on the evolution of barangays over time are included. Lastly, the paper offers insights and comments on the challenges and goals of doing barangay histories.
Downloads
Published
How to Cite
Issue
Section
License
Copyright (c) 2023 TALA: An Online Journal of History
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.