The Making of a Nation: Essays on Nineteenth- Century Filipino Nationalism ni Fr. John Schumacher, SJ: Isang Pagsusuri
Schumacher S.J., John N. The Making of a Nation: Essays on Nineteenth-Century of Filipino Nationalism. Ateneo de Manila University Press, 1991.
Keywords:
Sekularisasyon, nasyonalismo, himagsikan, kalayaan, historiograpyaAbstract
Ang ika-19 na siglo ang isa sa naging pinakamahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas nang sunod-sunod na lumaya ang mga kolonya ng España sa Gitna at Timog Amerika. Dahil dito, nagkaroon ng direktang pamumuno ang pamahalaang kolonyal at nagkaroon ng mga pagbabago sa larangan ng panlipunan, pang-ekonomiya, panrelihiyon, at pampulitika. Pagkakataon din ito upang itaguyod ang malayang pamamahayag at pagsusulong ng reporma sa Simbahan at Pamahalaan na naging mitsa ng kilusang Sekularisasyon tungo sa mga salik ng nasyunalismo: ang pagsibol ng mga ilustrados, Kilusang Propaganda, ang Himagsikang Pilipino, hanggang sa umabot sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Ang lahat ng mga ito ay matutunghayan sa aklat na The Making of a Nation: Essays on Nineteenth-Century Filipino Nationalism ni Fr. John Schumacher, SJ, binubuo ng mga kabanata at sanaysay na kung paano ipinaliwanag ang pag-unlad ng kaisipan ng mga Pilipino na nakabatay sa lente na kolonyal tungo sa nasyonanalismong historiograpiya. Ang pagkakaroon ng mabusisi at malalim na pang-unawa sa kasaysayan sa pamamagitan ng pananaliksik at pagbibigay interpretasyon sa mga pangyayari, kaganapan, at pagsusuri ng mga kasulatan sa sinupan bilang batayang pag-aaral sa paggising ng kamalayan ng mga Pilipino.
Downloads
Published
How to Cite
Issue
Section
License
Copyright (c) 2024 TALA: An Online Journal of History
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.