Maynila Bilang Modelo ng Makabagong Lipunan

Tremml-Werner, Birgit. Spain, China, and Japan in Manila, 1571-1644: Local Comparisons and Global Connections. Amsterdam: Amsterdam University Press, 2015.

Authors

Keywords:

transnational history, kalakalan, diplomasya, Maynila, panrehiyong pag-aaral sa Asya

Abstract

Naging pangunahing sentro ng kalakalan ang Maynila sa panahon ng pag-usbong ng mga estadong maituturing na makapangyarihan sa rehiyon ng Asya – ang Tsina, Hapon at España na noo’y nanunungkulan sa kasalukuyang Pilipinas. Sa pag-aaral ni Birgit Tremml-Werner na isang iskolar sa kasaysayan ng Silangan at Timog-Silangang Asya, ibinahagi niya ang paglalahad ng perspektibo sa pagbubuo ng relasyon at diplomasya ng mga nabanggit na estado sa pamamagitan ng pag-usbong ng pang-ekonomiyang sistema. Ang sistemang ito na binansagang “Manila system” ay isang halimbawa ng triangular relations na nagpaliwanag sa gampanin ng Maynila bilang sentro ng ekonomiya kung saan naganap ang mga gawaing-pangangalakal na nakatulong sa pag-unlad ng mga estado ng Tsina, Hapon at Imperyong España. Ang mga pagbabagong naidulot ng pagkakaroon ng triangular relations sa pagitan ng mga estado ay nagbunga ng mga pagbabago sa pagdedesisyon ng mga estado at sa pagpapalitan ng kulturang nakaapekto sa nakagisnang pamumuhay ng mga tao sa kani-kanilang mga teritoryo. Sa pagsusuring-librong ito, binigyang-diin  ang pamamaraan ng may-akda sa pananaliksik at pagpapaliwanag ng naging impluwensya ng kalakalan at sistemang pang-ekonomiya sa buhay ng mga mamamayan at mga kasangkot dito. Ang pagsusuri sa naging interaksyon ng mga estado ang nagbigay-daan sa mga iskolar ng kasaysayan na tingnan ang mga ginamit na perspektibo sa pag-aaral ng naging tunguhin ng mga estado sa pagsasakasaysayan ng ekonomiya at lipunan.

Author Biography

Kim P. Cataquian, Philippine Normal University

Kim P. Cataquian is a part-time faculty at the Faculty of General Education and Experiential Learning of the Philippine Normal University. She obtained her Master of Arts in History at the University of the Philippines Diliman in 2024. Her research interests include history of education in the Philippines, American occupation in the Philippines, and community relations. She can be reached at cataquian.kp@pnu.edu.ph or at kpcataquian@gmail.com.

Downloads

Published

2024-12-30

How to Cite

Cataquian, K. “ 2015”. TALA: An Online Journal of History, vol. 7, no. 2, Dec. 2024, pp. 134-6, https://talakasaysayan.org/index.php/talakasaysayan/article/view/201.