“Paglalayag nang may Direksyon”: Isang Pagpapahalaga sa Aklat na Araling Pang-erya at Araling Kabanwahan
Jose, Mary Dorothy dL., Navarro, Atoy M., Ong, Jerome A. Araling Pang-erya at Araling Kabanwahan. University of the Philippines Manila, 2021.
Keywords:
Araling Pang-erya, Araling Kabanwahan, Pantayong Pananw, Pilipinisasyon, Universidad ng Pilipinas MaynilaAbstract
“Paglalayag ng may direksyon.” Sa ganitong paraan inilarawan ni Adonis Elumbre ang Araling Kabanwahan, na taliwas sa isang uri ng “internasyunalisasyon” na pagpapatianod lamang sa mga agos at daluyong ng globalisasyon. Gamit ang metaporang ito ni Elumbre ng paglalakbay sa dagat, ang kasalukuyang panunuring-aklat sa antolohiyang Araling Pang-erya at Araling Kabanwahan (nina Mary Dorothy Jose, Atoy Navarro, at Jerome Ong) ay hahatiin natin sa tatlong bahagi ng paglalakbay: 1. Pagpalaot, 2. Paglalayag, at 3. Pagdaong. Sa bahagi ng Pagpalaot, ipopook natin nang mabilisan ang aklat sa konteksto ng mga kilusang Pilipinisasyon, na siyang kinapapalooban ng Araling Kabanwahan. Sa Paglalayag, tataluntunin natin ang pitong saysay ng aklat para sa higit na paglago ng Araling Kabanwahan bilang isang eskwelang pangkaisipan. Magwawakas ang paglalakbay sa Pagdaong, na naglalaman ng panapos na talata ukol sa panawagan na ipagpatuloy ang paglilimbag ng ganitong mga akda, at pagsasaad ng pangarap na maging institusyunalisado ang Araling Kabanwahan sa kurikulum ng Araling Pang-erya sa Unibersidad ng Pilipinas Maynila.
Downloads
Published
How to Cite
Issue
Section
License
Copyright (c) 2025 TALA: An Online Journal of History

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.

