Ginhawa, Hanapbuhay, Himagsikan: Tungo sa Isang Pilipinong Pagdadalumat ng Katarungang Panlipunan/Katuwirang Bayan
Keywords:
Ginahawa, Hanapbuhay, Himagsikan, Katarungang Panlipunan, Katuwirang Bayan, Pilipinasyon, Well-being, Livelihood, Revolution, Social Justice, Nation's Thought, FilipinizationAbstract
Founded upon ethnological studies on the concepts of ginhawa (well-being), hanapbuhay (livelihood), and himagsikan (revolution), the paper aims to provide an exploration on the possibility of a Filipino conceptualization of katarungang panlipunan (social justice) that is outside the bounds of Marxist theoretization. This essay insists that although Marxist theoretization of katarungang panlipunan is highly advanced, it is only one among many other possible versions of theorizing katarungang panlipunan. Since there is no concept that is possible to exist in the consciousness without the embodiment of language and culture, the contextualization or critical appropriation of any concept or conceptualization is essential. In the spirit of Filipinization, the study tries to reinforce the position that each culture has its own logic in solving its own problems. It suggests katuwirang bayan as a dynamic translation of social justice, which is often translated as katarungang panlipunan. Katuwirang bayan, which is based upon talastasang bayan (national discourse), is focused on the allocation of ginhawa to the people: hanapbuhay as contemporary pangangayaw for the maintenance of ginhawa, and himagsikan as the manifestation of the people’s bagsik (anger) whenever there is a threat to kaginhawaang bayan (people’s well-being).
Tumutuntong sa mga etnolohikal na mga pag-aaral ukol sa mga dalumat ng ginhawa, hanapbuhay at himagsikan, layunin ng papel na ito na magsagawa ng eksplorasyon sa posibilidad ng isang Pilipinong pagdadalumat ng katarungang panlipunan na labas sa nakasanayang Marxistang konseptuwalisasyon. Paninindigan ng sanaysay na bagaman maunlad ang teoretisasyon ng Marxismo sa katarungang panlipunan, ito ay isa lamang sa napakarami pang bersyon ng posibleng teoretisasyon. Yamang walang konseptong posibleng umiral sa kamalayan nang hindi kinakatawan ng wika at kalinangan, ang kontekstuwalisasyon o kritikal na pag-aangkin ng anumang dalumat o pagdadalumat ay esensyal. Sa diwa ng Pilipinisasyon, nagtatangkang mag-ambag ang pag-aaral sa posisyon na bawat kalinangan ay may sari-sariling lohika sa paglutas sa mga sarili nitong suliranin. Iminumungkahi ang katuwirang bayan bilang dinamikong salin ng social justice na kadalasang isinasalin bilang katarungang panlipunan. Ang katuwirang bayan, na nasasalalay sa talastasang bayan, ay nakatuon sa pagbibigay ng ginhawa sa bayan: hanapbuhay bilang kontemporaryong pangangayaw para sa pagpapanatili ng ginhawa ng bayan at himagsikan bilang pagpapadama ng bagsik ng bayan tuwing may bantang pang-aagaw sa kaginhawaan nito