Relihiyosong Imahe ng Bulacan bilang Cultural Energy
Keywords:
Bulacan, espiritwalidad, relihiyon, tradisyonAbstract
Kilala ang lalawigan ng Bulacan sa mga bayaning nakipaglaban, at nakapag-ambag ng malaki upang makamit ang Kalayaan. Gayundin, tanyag din ang lalawigan dahil sa mga dakilang personalidad kagaya nina Francisco Balagtas, Nicanor Abelardo, at Guillermo Tolentino. Dagdag pa rito, kilala ang Bulacan sa pagkakaroon ng malalim na pananampalataya ng mga mamamayan. Marami ring mga tradisyon, kaugalian at paniniwala ang lalawigan ng Bulacan na hanggang sa kasalukuyan ay isinasagawa pa rin ng mga Bulakeño.
Kinakailangan munang maunawaan ang kultura ng isang tao bago maunawaan ang espiritwalidad nito. Sa ganitong paraan ay mauunawaan ang konsepto ng espiritwalidad ng isang tao. Sa pag-aaral na ito, gamit ang dalumat ng cultural energy ni Albert Alejo, SJ, sinuri ang mga tradisyon, kaugalian at paniniwala ng lalawigan ng Bulacan. Sinuri rin ang mga nabuong espiritwal na padron sa kasanayang kultural ng Bulacan.
Downloads
Published
How to Cite
Issue
Section
License
Copyright (c) 2022 TALA: An Online Journal of History
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.