Walang "Kaunlaran" sa Kordi: Analisis sa Chico River Pump Irrigation Project ni Pangulong Rodrigo Duterte
Keywords:
kaunlaran, Kordilyera, underdevelopment, Build Build Build, DuterteAbstract
Inilatag sa papel na ito ang mga argumentong magpapatunay na walang kaunlarang hatid ang Chico River Pump Irrigation Project ni Pangulong Rodrigo Duterte taliwas sa ikinakampanya ng Build Build Build Program sa Philippine Development Plan at Public Investment Program ng National Economic Development Authority. Iniangkla ito ng awtor sa (1) mga panawagan at pampublikong pahayag ng Cordillera Peoples Alliance, (2) mga anomalyang nakayakap sa China Exim Bank Loan Agreement na sumusustena sa imprastrakturang CRPIP, at (3) mga niyuyurakang karapatan ng pambansang minorya na dapat ay pinoprotektahan ng Indigenous Peoples Rights Act of 1997.
Tinalakay nang husto ang kasaysayan ng konsepto ng “underdevelopment” ni Gustavo Esteva (2010) upang mapanindigan na ang CRPIP at ang BBB sa pangkalahatan ay hindi maka-Filipino, bagkus ay bunga ng neokolonyal na pag-iisip na mas pinatitindi pa ng relasyong Duterte-Tsina. Sa kongklusyon nakatalâ na ang pagpapakahulugan ni Duterte sa “kaunlaran” ay agresyon sa mata ng Kordilyera, pagpapatahimik sa tinig ng pambansang minorya, at pamimilipit sa kasaysayan ng pakikibaka pareho sa danas ni Macli-ing Dulag sa ilalim ng Diktaduryang Marcos. Gayundin, ang “tunay” na gawaing pampagpapaunlad ng pamayanan ay pagbibigay ng layang magpasiya para sa sarili at ng ganap na awtonomiya sa rehiyon ng Kordilyera.
Downloads
Published
How to Cite
Issue
Section
License
Copyright (c) 2022 TALA: An Online Journal of History
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.