Ang 1872 sa Kasayasayan ng Pilipinas: Isang Pagsusuring Historiograpikal sa Ilang Pilipinong Historyador
Keywords:
1872, Historiograpiyang Pilipino, GOMBURZAAbstract
Bilang pagpapahalaga sa GOMBURZA, sa okasyon ng ika-150 anibersaryo ng kanilang kamatayan, ang pag-aaral na ito ay nagsagawa ng isang preliminaryong pagbaybay sa samu’t saring pagpapakahulugan at pagbibigay-saysay na ikinakabit sa 1872 sa historiograpiyang Pilipino. Sa partikular, siniyasat ng sanaysay ang kapookan ng 1872 sa balangkas historiograpikal ng ilang prominenteng historyador tulad nina Teodoro Agoncillo, Zeus Salazar, Renato Constantino, Reynaldo Ileto, John Schumacher, Horacio de la Costa, at iba pa. Liban dito, tiningnan din ang pagpapakahulugan sa 1872 ng iba pang teksbuk at akdang pangkasaysayan, bilang tagapagtawid ng mga diskurso ukol sa 1872 mula sa mga prominenteng historyador tungo sa mas malawak na bilang ng mga mambabasa. Sa huli, nahinuha mula sa mga talakayan na ang samu’t saring pagpapakahulugan at pagbibigay-saysay sa 1872 bilang teksto ay nahuhulma ng mga balangkas at pananaw historiograpikal na kinapapalooban ng bawat historyador bilang mambabasa ng teksto.
Downloads
Published
How to Cite
Issue
Section
License
Copyright (c) 2022 TALA: An Online Journal of History
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.