“Karapat-Dapat na mga Kababayan” Si Quezon at ang Pamahalaang Komonwelt sa mga Bayaning Pilipino
Keywords:
bayani, Manuel L. Quezon, Pamahalaang Komonwelt, panahon ng KomonweltAbstract
Mahahalagang pigura ang mga bayani ng nakaraan sa kasalukuyan. Ang mga gaya nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, at Apolinario Mabini ay mayroong hindi matatawarang papel sa kasaysayan at kalayaan ng Pilipinas, gayundin sa pagmamahal sa bansang kanilang hinaraya. Sa panahon ng Komonwelt, ang mga bayani ay kinasangkapan din sang-ayon sa interes ng malayang bansang hinaraya ni Pangulong Manuel Quezon, maging sa panahon ng digmaan. Layon ng papel na ito ilahad kung papaano ito ginamit ni Quezon sa kabila ng pagiging mala-malaya ng Pilipinas. Ginamit at sinuri rito ang retorika ng kaniyang mga talumpati, ipinatupad na mga batas at kautusan, gayundin ang mga panandang pangkasaysayang sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt, bilang kaugnay ng kaniyang kaisipan.
Downloads
Published
How to Cite
Issue
Section
License
Copyright (c) 2022 TALA: An Online Journal of History
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.