Pagtatagpo ng Kasaysayan at Panitikan sa mga Tudtulan ng mga Sinaunang Maguindanaon

Authors

Keywords:

Maguindanaon, Tudtulan, Kasaysayan, Diskurso, Sinaunang panitikan

Abstract

Pinatunayan sa papel na ito ang matalik na ugnayan ng panitikan at kasaysayan. Gamit ang pamaraang indehinus o pangkatutubo, nangolekta ng mga tudtulan(sinaunang kuwentong bayan ng mga Maguindanaon) mula sa bibig ng mga matatandang Maguindanaon,isinatitik, at isinalin sa Filipino.Matapos makuha ang larawan ng mga Maguindanaon mula sa mga kuwentong bayan,itinapat  ito sa kasaysayan upang mapatunayan ang pamamalagay na  may kakayahan ang panitikan na matapat  na ipakilala ang kasaysayan at may kakayahan din itong  mamagitan sa kasaysayan. Hinanap ang mga nawawalang tauhang nabanggit sa parehong panitikan at kasaysayan sa katauhan nina Tabunaway at Mamalu at ang representasyon ng mga kababaihan sa katauhan ni Salabanun sa panahong hindi pa nakayakap sa relihiyong Islam ang mga Maguindanaon hanggang sa unang panahon ng pagsapit ni Kabungsuwan sa Maguindanao. Parehong binanggit sa matandang panitikan at kasaysayan na nag-ugat ang mga Maguindanaon mula sa mga Manobo at Teduray .Parehong binangit sa panitikan at kasaysayan ang pamumuno ng  mga lokal na pinunong sina Mamalu at Tabunaway at ang pananakop sa lugar ni Kabungsuwan gamit ang pangangalakal at higit sa lahat ang pagpapayakap sa pananampalatayang Islam. Tanging sa panitikan lamang naitanghal ang pagkakapantay-pantay ng lalaki at babae bilang pinuno, hindi ito nakita sa kasaysayan. Hindi naging malinaw ang pagkawala ni Mamalu sa kasaysayan, na ayon sa panitikan ay namundok dahil sa pagtutol sa pananampalatayang Islam. Kung gayon, mahihinuhang, may sinasabi ang panitikan na hindi sinasabi ng kasaysayan at bise-bersa ngunit nagtutulungan ang isa’t isa upang mapalitaw ang mahigpit nilang ugnayan.

Author Biography

Shandra Gonsang, University of Southern Mindanao

Kasalukuyang Program head ng MA Language Teaching (Filipino) at PhD in Education Major in Filipino sa University of Southern Mindanao, Kabacan, Cotabato. Gumaganap din siya bilang Head ng Scholarship and Financial Assistance Department ng Office of Student Affairs sa USM. Nagtapos ng BSE-Filipino sa nasabing pamantasan. Tinapos niya ang kanyang Master of Arts in Language and Literature Major sa Filipino sa De La Salle University sa Lungsod ng Maynila. Ang kanyang Doktor ng Pilosopiya sa Filipino sa Mindanao State University, Iligan Institute of Technology, Iligan City. Nagkamit ng parangal na pinakamahusay na disertasyon ang kanyang disertasyon na may pamagat na “Pagmamapang Pangkasaysayan at Pangkalinangan ng mga Magindanawn Mula sa kanilang mga Kuwentong Bayan”. Nagkaroon ng maraming danas sa pagbahagi ng resulta ng kanyang mga ginawang pag-aaral sa mga internasyunal at pambansang kumperensiya. Nakapaglathala na rin siya ng ilan sa kanyang mga pag-aaral sa mga peer-reviewed research journal. Nagkaroon ng danas na maging peer reviewer ng Mindanao Forum, ang Institute Journal ng MSU-IIT at kabilang din siya sa mga awtor ng Beyond Books Publication. Isa siya sa mga nagawaran bilang Ulirang Guro sa Filipino, taong 2018.

Downloads

Published

2023-06-30

How to Cite

Gonsang, S. “Pagtatagpo Ng Kasaysayan at Panitikan Sa Mga Tudtulan Ng Mga Sinaunang Maguindanaon”. TALA: An Online Journal of History, vol. 6, no. 1, June 2023, http://talakasaysayan.org/index.php/talakasaysayan/article/view/115.