Pagsasa-Filipino ng Pagtuturo at Pananaliksik sa Agham Panlipunan: Bahaginan ng Best Practices sa Antas ng Silid-Aralan at Departamento/Kolehiyo
Keywords:
Pagsasa-Filipino, Bahaginan ng best practices, pagtuturo at pananaliksik, agham panlipunan, pedagohiya, Filipinization, sharing of best practices, teaching and research, social sciences, pedagogyAbstract
Abstrak
Ang pagpapalaganap ng wikang Filipino ay hindi payak na romantisasyon ng nasyonalismo. Sa halip, ito ay instrumento tungo sa higit na demokratisasyon ng wikang Filipino, at samakatuwid ay may malalim na implikasyon sa usapin ng katarungang panlipunan. Sa kontekstong ito mabibigyang-diin ang dulot na suliranin ng Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan, na dahilan kung bakit mas namomonopolisa ng elit ang mga daluyan ng kapangyarihan tulad ng edukasyon, komersyo at pulitika. Tungo sa paghahanap ng lunas sa suliraning ito, makatutulong ang pagsasa-Filipino ng agham panlipunan bilang esensyal na bahagi ng sistemang pang-edukasyon.
Bilang ambag sa adhikaing ito ng pagsasa-Filipino ng agham panlipunan, naglunsad ang pag-aaral na ito ng isang payak na bahaginan ng best practices para sa pagsasa-Filipino ng pagtuturo at pananaliksik sa antas ng silid-aralan at Departamento/Kolehiyo. Hinalaw ang best practices na ito mula sa iba’t ibang guro, mananaliksik, at institusyon, para makabuo ng isang munting imbentaryo ng mga “armas-panturo.” Binubuo ang imbentaryong ito ng 17 gawi/aktibidad/programa para sa antas ng silid-aralan, at 6 gawi/aktibidad/programa para sa antas ng Departamento/Kolehiyo. Nilalayon na maging munting batis ang imbentaryong ito para sa pagpapainam ng pedagohiya ng mga guro at polisiya ng mga institusyon tungo sa higit na pagsasa-Filipino ng pagtuturo at pananaliksik sa agham panlipunan.
Abstract
The advocacy for the proliferation of Filipino language is not a mere romantization of nationalism. Instead, it is an instrument towards the democratization of Filipino language, and thus has a deep implication on the issue of social justice. It is in this context that the problem caused by the Great Cultural Divide can be emphasized, which paved the way for the greater monopolization of education, commerce and politics by the elite. In the search for a solution to this problem, the Filipinization of social sciences as an essential part of educational system can help.
As a contribution to this advocacy of Filipinizing the social sciences, this study launched a simple sharing of best practices for the Filipinization of teaching and research in the classroom and Department/College level. These best practices are culled from different teachers, researchers, and institution, in order to come up with a simple inventory of “pedagogical arms.” This inventory is consisting of 17 action/activity/program for the classroom level, and 6 action/activity/program for the Department/College level. It is aimed that this inventory be a simple source for the betterment of teacher’s pedagogy and institutional policies toward the greater Filipinization of teaching and research in the social sciences.
Downloads
Published
How to Cite
Issue
Section
License
Copyright (c) 2023 TALA: An Online Journal of History

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.