Institusyonal na Kasaysayan ng American National Red Cross sa Pilipinas, 1917-1940
Keywords:
Philippine Red Cross, American National Red Cross, Cruz Roja, Tecson, Red CrossAbstract
Sa kasalukuyang panahon, ang Philippine Red Cross ang tumutulong pagdating sa sakuna, kagipitan, medikal at iba pang mapagkawanggawang serbisyo. Ang Red Cross ay matagal nang nagsisilbi sa mga Pilipino sa ilalim ng International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies sa kontemporaneong panahon. Sa kabila ng kasalukuyang serbisyo ng Red Cross, mayroon itong malalim na kasaysayan sa Pilipinas. Sa pagtalakay sa kasaysayan ng Red Cross, ginamit sa pananaliksik ang balangkas ng Naratibong Kasaysayan o Narrative History kung saan ipinaliwanag ang daloy ng kronolohiya ng pagkakatatag at pangangasiwa ng Red Cross sa Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang kolonya ng Estados Unidos. Gumamit ng mga primaryang batis tulad ng mga magasin ng American Chamber of Commerce, ang ulat ng Direktor ng Edukasyon, magasin na Philippine Review (Revista Filipina) at Board of Educational Survey. Sa sekundaryang batis naman ay ginamit ang The Conscience of the Nation ni Alfonso Aluit at The History of The American National Red Cross Volume 34 ni Dorothy Albertson. Tinatawag ang mga unang babaeng manggagamot na Cruz Roja na tumutulong sa mga nasawing sundalo sa Rebolusyong 1896, Digmaang Español-Amerikano at Digmaang Pilipino-Amerikano magmula 1896 hanggang 1899. Ang mga nasawi ay ang mga nasugatan o namatay sa labanan. Tinatalakay ng papel na ito na ang mga manggagamot at boluntaryo ng Red Cross ay binubuo ng mga Amerikano at Pilipinong miyembro. Dito unti-unting naitatag ang American National Red Cross sa Pilipinas at may mga Pilipinong kinatawan naman sa institusyon na nasa sektor ng Philippine Red Cross-Branch. Noong 1917, pormal na naitatag ang ANRC bilang organisadong institusyon at ang PRC-Branch naman para sa mga Pilipinong miyembro nito. Nagsilbi ang ANRC sa mga mapangkawanggawang serbisyo, medikal, komunidad, sanitasyon, kagipitan, sakuna at pagtuturo ng medikal na kaalaman sa mga kabataan magmula 1917 hanggang 1932. Noong 1933, kasagsagan ng transisyon ng ANRC at PRC-Branch dahil magkakaroon ng Pamahalaang Komonwelt sa Pilipinas sa ilalim ni Pangulong Manuel Quezon ay naisasagawa ang Pilipinisasyon sa mismong institusyon. Magmula sa kapangyarihan ng Pamahalaang Estados Unidos ay napunta ang pamamahala nito sa Pamahalaang Komonwelt sa Pilipinas at tinawag na itong Philippine Red Cross (American National Red Cross). Ang PRC-ANRC ay tumulong sa mga mamamayan ng Pilipinas hanggang sa paglipas ng panahon. Sakop ng papel na ito ang mga taong 1917 hanggang 1940 bilang limitasyon ng pag-aaral.
Downloads
Published
How to Cite
Issue
Section
License
Copyright (c) 2024 TALA: An Online Journal of History
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.