Cementerios: Isang Pag-Aaral sa mga Suliranin, Metodolohiya at Adhikain sa Pagsusulat ng Kasaysayang Sementeryo sa Panahon ng mga Espanyol sa Pilipinas
Keywords:
Cementerios, Historiograpiya, Espanyol, Metodolohiya, Kasaysayang sementeryoAbstract
Layunin ng pananaliksik na ito na subuking tayahin ang kasalukuyang suliranin, metodolohiya at adhikain sa pagsusulat ng kasaysayang sementeryo sa panahon ng mga Espanyol sa Pilipinas. Nais nitong matulungan ang mga manunulat o/at mga historyador na higit pang maunawaan ang gampanin at kahalagahan ng sementeryo sa paglinang ng kasaysayan, kultura at kalinangan ng lipunang Pilipino sa panahon ng pananatili ng mga mananakop. Tunguhin din ng pag-aaral na mas pag-ibayuhin pa ang aralin tungkol sa mga isturkturang ito upang hindi tuluyang mawaglit sa kamalayang Pilipino ang naging gampanin nito sa pagpapayabong ng kultura at ritwal hinggil sa kamatayan at paglilibing sa panahon ng okupasyong Espanyol sa Pilipinas.