Ugnayang Tsino’t Pilipino sa Buhay at Kamatayan: Isang Panimulang Pagbalangkas
Book Review Arriola, Donna Mae N. at Eleanor Marie S. Lim. (2016). Angels and Dragons in the Manila Chinese Cemetery. Nasa Himlayan, Pantiyon, Kampo Santo, Sementeryo: Exploring Philippine Cemeteries, pat. Dr. Grace Barretto-Tesoro, 41-80. Quezon City: The University of the Philippines Press.
Abstract
Nabigyan ng pagpapahalaga ang komprehensibong pagdalumat sa relasyong Tsino at Pilipino sa buhay at kamatayan sa isang aklat na pinamagatang Himlayan, Pantiyon, Kampo Santo, Sementeryo: Exploring Philippine Cemeteries (2016) na pinamamatnugutan ni Dr. Grace Barretto-Tesoro ng Programa sa Araling Arkeolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay binubuo ng isang daan at apatnapu’t dalawang (242) pahina at limang (5) kabanata-- [1] Angels on Earth: Investigating Infant and Children Burials in Manila Cemeteries ni Grace Barreto-Tesoro (pah. 1-39); [2] Angels and Dragons in the Manila Chinese Cemetery nina Donna Mae N. Arriola at Eleanor Marie S. Lim (pah. 41-80); [3] Ang Mamatay ng Dahil sa iyo: Patriots’ Graves at Manila Cemeteries and Neighboring Provinces ni Andrea Malaya M. Ragragio (pah. 81-153); [4] Death, Grief, and Memorial: A Review of the Boy Scouts Tragedy of 1963 nina Kathleen D.C. Tantuico at Omar K. Choa (pah. 155-168); at [5] Colonial Period Cemeteries as Filipino Heritage ni Michelle S. Eusebio (pah. 169-197).
Sa limang kabanatang ito, mas higit na binigyan ng pansin at lapatan ng anotasyon ang ikalawa dahil tahasan tumatalakay ang artikulong ito sa mayaman at makakultural na ugnayan ng Pilipinas at Tsina bilang mga Asyanong bansa pagdating sa konseptwalisasyon ng kamatayan.