Samahang Mesyaniko, Sekularisasyon, Kilusang Propaganda-Reporma: Tipolohiya ng mga Pilipinong Dulog sa Kristiyanismo sa Ika-19 na Dantaon Kaugnay ng Kontekstong Kabanwahan ng Europa
Keywords:
indihenisasyon, kontekstong kabanwahan, Kristiyanismo, modernisasyon, nasyonalisasyon, tipolohiyaAbstract
Naging popular sa larangan ng Kristiyanong etika at teolohiya sa pamamagitan ng klasikong akda ni H. Richard Niebuhr na Christ and Culture (na humugot ng inspirasyon sa Psychological Types ni Carl Jung), ang pamamaraan ng “tipolohiya” ay isinasagawa upang magkaroon ng sistematisasyon ang kalat-kalat na ideya sa isang partikular na paksa, tungo sa paglalatag ng iba’t ibang tipo o uri.
Layunin ng pag-aaral na ito na ilapat ang pamamaraang tipolohikal sa pagsusuri ng magkakaibang dulog/tugon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo noong ika-19 na dantaon. Ihahain ng sanaysay ang “indihenisasyon,” “nasyonalisasyon,” at “modernisasyon” bilang tatlong tipo ng mga Pilipinong dulog sa Kristiyanismo. Gagamiting kasong pag-aaral ang mga Samahang Mesyaniko, Sekularisasyon, at Kilusang Propaganda-Reporma sa paglalatag ng tatlong tipo: Samahang Mesyaniko bilang modelo ng tipo ng indihenisasyon, Sekularisasyon bilang modelo ng tipo ng nasyonalisasyon, at Kilusang Propaganda-Reporma bilang modelo ng tipo ng modernisasyon.
Tungo sa higit na pagpapalalim ng pag-unawa sa tatlong ito, sisiyasatin din ang kani-kanilang “kontekstong kabanwahan” sa anyo ng kaugnayan ng mga ito sa mga pangyayari sa Europa: 1. Mga pananaw at polisiya ng simbahang Katoliko sa Europa kaugnay ng mga popular na debosyon at mga katutubong anyo ng Kristiyanismo (para sa Samahang Mesyaniko), 2. Konseho ng Trent, at serye ng mga dekreto ng simbahan at monarkiyang Espanyol ukol sa sekularisasyon ng mga parokya sa kolonya (para sa Sekularisasyon), at 3. Ebolusyon ng epistemolohiya sa Europa partikular na ang kaugnayan nito sa pag-usbong ng anti-klerikalismo sa Europa (para sa Kilusang Propaganda-Reporma).
Ang konteksto ng tatlong Pilipinong dulog na ito sa Kristiyanismo, kaugnay ng kapookang Europeo, ang maigigiit na isa sa mga humubog sa mundo ng ika-19 na dantaong Pilipinas, na isa sa pinakakritikal na yugto ng ating kasaysayang pambansa.
Downloads
Published
How to Cite
Issue
Section
License
Copyright (c) 2026 TALA: An Online Journal of History

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.

