Katawang Babae at ang Imahenaryo ng Nasyon

Authors

Keywords:

Nasyonalismo, kolonyalismo, tatlong-panahunang pagtingin, edukasyon, katawang babae

Abstract

Karaniwang itinuturing si Jose Rizal bilang tagapanguna ng paninindigan sa karapatan ng babae sa Asya. Eksplisito itong ipinahayag ng pambansang heroé sa pamamagitan ng kanyang liham sa mga kababaihan ng Malolos. Ang mga prinsipyong isinulong dito ni Rizal, ayon kay Lilia Quindoza-Santiago, ay nagtataglay ng mga implikasyon sa kilusang kababaihan sa bansa. Maliban sa liham na nabanggit, mapagkukunan din ng interpretasyon ang ilang babaeng tauhan ni Rizal sa kanyang mga nobela. Ilang bagay ang dapat itanong: habang kritikal nga si Rizal sa patriarka, saan maitatakda ang hangganan ng kanyang paninindigan tungkol sa kalagayan ng babae sa kolonya? Paano naging bahagi ng kaniyang nasyonalismo ang mga imahenaryong nilikha niya tungkol sa babae?

Author Biography

Roland A. Macawili, Polytechnic University of the Philippines Divine Word Missionary

Si Roland Abinal Macawili ay nagtapos sa kursong Bachelor of Arts in History sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Kasalukuyan niyang tinatapos ang Master of Arts in Philosophy sa Divine Word Mission Seminary sa Lungsod Quezon.

Downloads

Published

2020-06-30

How to Cite

Macawili, R. “Katawang Babae at Ang Imahenaryo Ng Nasyon”. TALA: An Online Journal of History, vol. 3, no. 1, June 2020, http://talakasaysayan.org/index.php/talakasaysayan/article/view/40.