Panimulang Pagbabalangkas sa Ugnayan/Pagkaka-Ugnay ng Panlasang Kapilipinuhan sa mga Piling Pagkaing Natikman Sa Ibayong Dagat ng Timog Silangang Asya
Keywords:
Susing Salita, kalutong bayan, Timong Silangang Asya, pagkain, ibayong dagat, ugnayan, Kalutong Bayan, Southeast Asia, Food, Overseas, RelationshipAbstract
Mahalagang malaman ang ugnayan o pagkaka-ugnay ng kulturang Pilipino sa mga karatig-bayan nito sa ibayong dagat lalo na sa Timog Silangang Asya sa pamamagitan mismo ng mga pagkain bilang adbentahe ng akademikong pag-uugnay na ito. Bagama’t sa kabila ng pagiging salat nito, hindi napapansin ang kahalagahan ng pagkain sa kultural at historikal na salik ng lipunan. Sa pagtataya, hindi lumilitaw o interesante man lang sa mga nagpapakadalubhasa sa agham panlipunan ang usaping may kinalaman sa pagkain. Bukod sa mas angkop sa Araling Culinary ang pagdadalumat, limitado ang mga tala na bumabalangkas dito. Kung kaya’t masasabi na ring ambag sa larangan ng kaalaman ang pag-aaral na ito.
Ang pagsusulong na ito ay isang panimulang pagdadalumat sa inter-kultural na ugnayan ng dalawang rehiyon ngunit may iisang kulturang pinag-ugatan. Tila epistemolohikal ang katangian ng pagtatangka ngunit mas kailangang suriin na maaaring umusbong ang pagtalakay sa histokultural na lapit. Kailangang itaya ang hinuhang maaaring bumuo ng makrokosmong dimensiyon sa pagitan ng Pilipinas at karatig nito sa lente ng mga pagkain.
Layunin ng pag-aaral na ito na magbigay ng preliminaryong kaalaman na mayroong direktang kinalaman sa panlasa, pagkain, at pinauunlad na konsepto ng kalutong bayan. Itinataya ko pa ring malaki ang naging kontribusyon ng aking paglalakbay sa sampung bansa ng Timog Silangang Asya/ASEAN (2014 -2018) upang mabuo sa aking isipan ang pag-uugnay na agarang inihahain at ipinagyayaman bilang isang paksang historikal.
It is quintessential to be acquainted with the complex cultural linkages between a nation and the globalized world— notably, the Philippines as a part of the Southeast Asian Region. The study centers on Filipino cuisine, academization, and its affinities. We may regard the concept of food and the act of partaking in it (i.e., eating) as mundane and ubiquitous in a way. Instead, we must view food and subsistence as a crucial part of cultural and historical inquiry. Some social scientists and scholars dismiss the subject of food as a valuable source of tracing cultural and historical roots. Some people usually regard the recognition and intellectualization of food to Culinary Studies, but it is deemed limited. Truth be told, few to no literature sources reveres food and its role as significant in political, historical, and cultural discourse.
This paper paves the way towards the intercultural relationship between the two regions, albeit clinging to unified cultural roots. Moreover, it may be interpreted as epistemological; nevertheless, it is essential to analyze food, subsistence, and diet through the lens of cultural history. The study can be defined the significance of Philippine cuisine in the Southeast Asian region's macrocosmic space of food diversity.
Consequently, the paper intends to present preliminary knowledge and investigation on the direct relationship between taste (aesthetics), food, and the expansion of the local concept of Kalutong Bayan. The researcher assumes that the contribution of his in-depth travels within the ten (10) countries across Southeast Asia (ASEAN) (2014-2018) led him to form potential linkages between what is being produced, served, and consumed may be considered vital in ascertaining historical roots of the Philippines and the entire region.