Ang Historiograpiyang Third Way at ang Tugon ng Pantayong Pananaw: Isang Kritikal na Pagbasa sa Historiograpiya ni Resil Mojares
Book Review Mojares, Resil B. Interrogations in Philippine Cultural History: The Ateneo de Manila Lectures. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2017.
Keywords:
Resil Mojares, historiograpiyang Third Way, Pantayong Pananaw, nasyonalistang historiograpiya, kolonyal na historiograpiya, Third Way historiography, nationalist historiography, colonial historiographyAbstract
Ang panunuring-aklat na ito ay interogasyon sa isang partikular na aspekto ng historiograpiya ni Resil Mojares. Sa pamamagitan ng pagbasa sa kanyang Interrogations in Philippine Cultural History bilang isang ehemplong tekstong historiograpikal, inilalatag ng panunuring-aklat na ito ang suhestiyon na mula sa punto-de-bista ng Pantayong Pananaw ay maituturing na malapit ang pagkakahawig ng historiograpiya ni Mojares sa balangkas pangkaisipan ng historiograpiyang Third Way. Binibigyang-tuon dito ang manaka-nakang puna ni Mojares sa tinatawag niyang “ethnonationalism”, na ang isa sa pinakamaunlad na anyo sa kasalukuyan ay ang Pantayong Pananaw. Nagtangka rin na maghain sa panunuring-aklat na ito ng kritika ng Pantayong Pananaw sa historiograpiyang Third Way, sa pamamagitan ng pagtugon sa mga punto ni Mojares.
This book review is an interrogation of a particular aspect of Resil Mojares’ historiography. Through a reading of his Interrogations in Philippine Cultural History as a sample historiographical text, this review offers the suggestion that from the point of view of Pantayong Pananaw, the historiography of Mojares can be regarded as closely resembling the framework of Third Way historiography. Emphasis is given to Mojares’ critique of what he dubbed as “ethnonationalism”, of which one of the most advanced form in the present is Pantayong Pananaw. This review also tried to provide Pantayong Pananaw’s critique of Third Way historiography by responding to some of Mojares’ contentions.