Dekolonisasyon at ang Kapantasang Pilipino: Isang Pagbasa sa Kasaysayang Intelektuwal ni Charlie Samuya Veric

Book Review Veric, Charlie Samuya. Children of the Postcolony: Filipino Intellectuals and Decolonization, 1946-1972. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

Authors

Keywords:

dekolonisasyon, neokolonyalismo, Ikatlong Daigdig, kasaysayang intelektuwal, kapantasang Pilipino, decolonization, neocolonialism, Third World, intellectual history, Filipino scholarship

Abstract

Sa pag-aaral ukol sa kasaysayang intelektuwal ng mga nasyunalistang diskurso sa akademya, kadalasang nagsisimula ang mga mananaliksik sa Dekada 70s, partikular sa tinaguriang mga kilusang pagsasakatutubo sa Unibersidad ng Pilipinas. Hindi gaanong napagtutuunan ng pansin sa mga publikasyon ang ugat ng mga nasyunalistang diskursong ito sa mga taon bago ang Dekada 1970s. Sa bagong akda ni Charlie Samuya Veric na Children of the Postcolony (COTP), tinangka niyang punan ang patlang na ito sa kasaysayang intelektuwal ng bansa, sa pamamagitan ng pagtuon sa kaisipan nina Edith Tiempo, Fernando Zobel, Bienvenido Lumbera, E. San Juan Jr., at Jose Maria Sison. Ang sanaysay na ito ay isang deskriptibong pagbasa sa COTP ni Veric, na naglalayong siyasatin ang saysay ng akda sa ‘di pa tapos na proyekto ng kapantasang Pilipino na pumiglas mula sa akademikong imperyalismo ng Kanluran.

In the study of the intellectual history of nationalist discourses in the academe, researchers usually start with 1970s, particularly with the so-called indigenization movements in the University of the Philippines. The root of these nationalist discourses in the period prior to 1970s is often ignored in the existing literature. In his newly published work, Children of the Postcolony (COTP), Charlie Samuya Veric tried to fill this gap of the country’s intellectual history by focusing on the mind of Edith Tiempo, Fernando Zobel, Bienvenido Lumbera, E. San Juan Jr., and Jose Maria Sison. This essay is a descriptive reading of COTP, which seeks to explore the relevance of the book to the unfinished project of liberating the Filipino scholarship from Western academic imperialism.  

Author Biography

Mark Joseph P. Santos, Centro Escolar University

Si Mark Joseph P. Santos ay nagtapos ng Bachelor of Arts in History, cum laude (2015) at Postbaccalaureate in Teacher Education (2017), kapwa mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, at Master of Divinity sa Manila Theological College (2021). Nakapaglathala siya ng ilang artikulo at panunuring-aklat sa mga akademikong dyornal tulad ng Saliksik E-Journal ng Bagong Kasaysayan, Dalumat E-Journal ng De La Salle University, Tala Kasaysayan ng UST Departmento ng Kasaysayan, at Historical Bulletin ng Philippine Historical Association. May-akda siya ng aklat na 19 REBYU KONTRA COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan. Patnugot din siya ng Martes sa Escaler at Martes sa Escaler II, na kalipunan ng mga talakayan ni Zeus Salazar ukol sa metodolohiyang pangkasaysayan at pilosopiya ng kasaysayan. Liban sa kanyang presentasyon sa mga lokal at pambansang sampaksaan, nagbahagi siya ng pananaliksik sa isang internasyunal na kumperensya na ginanap sa University of Lisbon, Portugal noong Disyembre 2018 ukol sa ambag ni Salazar sa Araling Timog Silangang Asya. Isa siya sa mga miyembrong tagapagtatag ng Kapisanan ng mga Mananaliksik sa Kasaysayan ng Marikina, isang organisasyong naglalayong payabungin ang lokal na kasaysayan ng naturang bayan. Nakasentro ang interes ng kanyang pananaliksik sa indigenization movements o Pilipinisasyon sa akademya tulad ng Pantayong Pananaw at Teolohiyang Pilipino. Nagturo siya sa PUP Departamento ng Kasaysayan mula 2016 hanggang 2019. Kasalukuyang Instruktor si Santos sa Departamento ng Agham Panlipunan at Humanidades ng Pamantasang Centro Escolar.

Downloads

Published

2021-12-30

How to Cite

Santos, M. J. “ Quezon City: Ateneo De Manila University Press”. TALA: An Online Journal of History, vol. 4, no. 2, Dec. 2021, http://talakasaysayan.org/index.php/talakasaysayan/article/view/60.