Kuwentong Buhay ng mga Kristiyano sa Panahon ng Batas Militar

Authors

Keywords:

Kuwentong Buhay, Batas Militar, Kristiyano, Marcos

Abstract

Ang sanaysay na ito ay isang deskriptibong pagbasa sa To Be in History: Dark Days of Authoritarianism na pinatnugutan ni Melba Padilla Maggay, sa lente ng “kuwentong buhay,” partikular na ang bersyon nito na dinalumat ni Clemen Aquino, isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng Sosyolohiyang Pilipino. Sisiyasatin ang saysay ng mga kuwentong buhay na nilalaman ng akda sa konteksto ng mga kontemporaryong reyalidad ng lipunang Pilipino, tulad ng rehimeng Duterte, pagsuporta ng mga Kristiyano sa mga represibong administrasyon, at pambabaluktot ng kasaysayan.

Author Biography

Mark Joseph P. Santos, Centro Escolar University

Si Mark Joseph Pascua Santos ay nagtapos ng Bachelor of Arts in History, cum laude (2015) at Postbaccalaureate in Teacher Education (2017), kapwa mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, at Master of Divinity sa Manila Theological College (2021). Nakapaglathala siya ng 6 artikulo at 4 panunuring-aklat sa mga akademikong dyornal tulad ng TALA, DALUMAT E-Journal, SALIKSIK E-Journal, at Historical Bulletin. May-akda siya ng aklat na 19 REBYU KONTRA COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan. Nakatuon ang kanyang pananaliksik sa mga kilusang Pilipinisasyon tulad ng Pantayong Pananaw at Teolohiyang Pilipino.

Downloads

Published

2022-10-31

How to Cite

Santos, M. J. “Kuwentong Buhay Ng Mga Kristiyano Sa Panahon Ng Batas Militar”. TALA: An Online Journal of History, Oct. 2022, http://talakasaysayan.org/index.php/talakasaysayan/article/view/94.