Ang Etika ng Himagsikan: Isang Panimulang Pagtatangkang tungo sa Etika ng Katipunan

Authors

Keywords:

Himagsikan, Kalayaan, Kaginhawaan, Katarungan, Etika, Revolution, Liberty, Well-being, Social Justice, Ethics

Abstract

Layong patunayan ng papel na ito na sa pamamagitan ng metikuloso at masusing pagsusuri ng literatura ng Katipunan, lalong higit ng mga naging akto ng prinsipal nitong mga tagapagtaguyod na sa pagsusulong ng Himagsikan o Rebolusyon para bawiin sa mga linsil na mananakop at ibalik sa Inang bayan ang Kalayaan, Kaginhawahan, Kasaganaan at Katarungan ay gumamit at ginabayan ng mga prinsipyong moral at etikal ang Supremo, kapatid na Pingkian at ang mga Anak ng Bayan.
Ang akdang ito ay isang mapanghamong proyekto, sapagkat ito pa lamang ang kauna-unahang pagtatangka na magsulat ng komprehensibo at depinitibo hinggil sa nasabing paksain.
Patutunayan na hindi lamang mga moralista ang mga Katipunero, sapagkat sila ay mga malay at deliberatibong mga indibidwal na kinakasihan ng ideolohikal at pampulitikang programa na nakasalig sa kanilang mga paniniwalang rebolusyonaryo. Ipakikita/Ipinakikita rin sa akda na ang pampulitika at ideolohikal na pilosopiya ng Katipunan ay masasalamin at maaapuhap sa kanilang moralidad at etika bilang mga rebolusyonaryo o manghihimagsik.
Kalabisan nang sabihin pa, ngunit ang mga pilosopiya ng nasabing literatura, panitikan at aksyon ay hindi lamang nagmula sa kaalaman o kaloobang-bayan, kundi inspirado rin ng mga kaisipan na nagmula sa labas at ang mga Katipunero ay umakto’t gumampan ng kanilang rebolusyonaryong tungkulin batay sa sirkumstansya at hinihingi ng nasabing panahon.


It is the aim of this paper to prove using a thorough study and meticulous re-examination of the literature of the Katipunan, centrally and primordially in connection to the actions undertaken by its principal brains and leading proponents that in waging the Revolution for purposes of taking back from the clutches of the Spanish colonizers Liberty, Well-Being, Abundance and Social Justice that were denied the People in the end objective of returning them all righteously to the Possession of Inang-Bayan – Supremo Bonifacio and Brother Pingkian were consciously operating and are governed by various moral and ethical principles.  

This work is an audacious and a daring project, by virtue of the fact that this is undeniably the first ever attempt of a partisan to write a comprehensive and definitive exposition of the said domain, theme or question.

This paper shall prove that the Katipuneros were not merely moralists, per se, because the greater truth is that they are utterly conscious and deliberative individuals that were governed by an ideology and following a well-defined political program that is harmonious and complements their revolutionary ideals and aspirations. It will be shown in this work that the political and ideological philosophy of the Katipunan is deeply embedded and incontestably reflected in the way they carried out their moral and ethical actions as revolutionaries.

Needless to state, but it is beyond dispute that the said philosophical ideals of their literature, various writings, proclamations and actions are not merely products of indigenous or local knowledge and practices, but inarguably were also inspired by the ideas, thoughts, philosophies and practices from the outside or international in origin. Finally, this paper will also prove that the Katipuneros carried out their revolutionary actions based on the condition of the times, what the situation demands and the prevailing circumstances.

The Reason for their Action is the Revolution.   

Author Biography

Jose Mario De Vega, San Beda University

Si Jose Mario Dolor De Vega ay kumuha ng kursong AB Political Science sa Manuel L. Quezon University, ngunit hindi nakatapos gawa ng kanyang radikal na aktibismo.
Natapos niya ang nasabing kurso sa Olivarez College noong 1999. Siya din ay may Masterado sa Pilosopiya sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (2004).
Kumuha din siya ng kursong abogasya sa University of the East, ngunit gawang muli ng aktibismo ay lumipat siya sa Philippine Law School upang doon tapusin ang kanyang LlB (2007).
Siya ang may akda ng librong Dissidente na inilathala ng Central Books (2013). Isa rin siya sa mga ko-awtor ng librong Doing Ethics Introduction to Moral Philosophy (Mindshapers, 2015) at isa siya sa mga patnugot ng aklat na: Ang Monumento at ang Torre sa Kasaysayan Pagtatakda sa Luneta: Hiraya ng “Knights” at Pasiya ng Bayan na inilimbag ng Bagong Kasaysayan (BAKAS, Inc. – Bahay Saliksikan sa Kasaysayan, Oktubre 2015, Rebisadong Bersyon, Pebrero 2016). Siya din ang sumulat ng Introduksyon nito.
Siya din ay Kapatnugot ng bagong aklat ng Bagong Kasaysayan na Bayani at Heroe (2017) at siya ding sumulat ng Introduksyon nito.
Siya din ang isa sa mga Komentarista sa aklat ng pamosong alagad ng sining na si Pushkin Eh na The Liquid Gallery (2014), librong inilathala sa bansang India.
Siya din ang may-akda ng aklat na Insurrecto o Dissidente Part 2 na inilimbag ng Central Books ng Setyembre, 2017.
Dati siyang nagtuturo ng mga asignatura sa Pilosopiya, Agham-Panlipunan at Kursong Andres Bonifacio at Kilusang Katipunan sa Unibersidad de Manila.
Siya rin ang una at dating Direktor ng Kursong Andres Bonifacio at ang Kilusang Katipunan ng naturan ding pamantasan, kursong kauna-unahan sa Pilipinas at sa kasaysayan ng Bansa.
Kamakailan ay nagbigay siya ng Tampok na Panayam sa Sampaksaan ng Limbagang Pangkasaysayan ukol sa Pantayong Pananaw at Paninindigang Pulitikal na may pamagat na: Ang Kakulangan ng Pantayong Pananaw at Panganib ng Kanan nitong Tendensiya at ang Pagpapalakas ng Kaliwa nitong Elemento Tungo sa Sosyalistang Lipunang Pilipino.
Kasalukuyan siyang siyang nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman sa Programang Doktorado sa Philippine Studies at sa ngayon ay kasalukuyan siyang bahagi ng College of Arts and Sciences ng Social Science Department ng San Beda University.

Downloads

Published

2021-12-30

How to Cite

De Vega, J. M. “Ang Etika Ng Himagsikan: Isang Panimulang Pagtatangkang Tungo Sa Etika Ng Katipunan”. TALA: An Online Journal of History, vol. 4, no. 2, Dec. 2021, https://talakasaysayan.org/index.php/talakasaysayan/article/view/59.